Auditions ko bukas sa CADS...first auditions ko ito and sana pumasa ako kasi eto yung gusto kong gawin..ang sumayaw..
Nakakakaba pero nakaka-excite din kung tutuusin...first time ko kasing magkakaroon ng formal auditions...unang pagdanas kung paano kabahan sa auditions, paano hindi makatulog kasi iniisip kung ano ang mangyayari bukas, paano isasabay ang quiz sa finance sa pag-iisip tungkol sa pagsayaw, at marami pang unang pagdanas na hindi kayang ipaliwanag ng mga salita lamang..
I just hope all of this will turn to be okay...and if I didn't pass, there is always a second chance...at least I am not a loser na hindi itinuloy yung gusto kong gawin...and at least I already experienced it...gagawin ko kung ano yung gusto ko, bearing in mind what are the consequences of my decisions will be...This is my passion, this is my dream and I think it is right to pursue what I want...
God will always be there with me...let His will be done and I know He has great plans for me...If CADS is for me, then it is...but if it's not, maybe He has better plans for me and He has reasons why I wasn't accepted..
But for now, I am claiming that I will pass tomorrow's auditions and I will be a CADs' member...
Good luck for me and God Bless..
:D
sa sulok ng aking balintataw natagpuan kita doon sa nakatagong gilid, nakatupi't nakayupyop binuklat kasama ng nakatuping alaala na nakaimbak sa bunton ng mga nahalaw na kalawakan....
Friday, June 26, 2009
Wednesday, June 24, 2009
Scene from the movie "Good Will Hunting"
This is a video sent by my Philosphy teacher which is related to one of our topics in class - "Danasin Mo"
The scene is from the movie, Good Will Hunting. The court ordered
Will (Matt Damon) to go to Sean (Robin Williams) for counseling after
figuring in a brawl. Will saw a painting hanged on Sean's wall and
gave the doctor a quick psychoanalysis. The next day, they met in a
park and here's what Sean has to say:
Sean: Thought about what you said to me the other day, about my
painting. Stayed up half the night thinking about it. Something
occurred to me... fell into a deep peaceful sleep, and haven't thought
about you since. Do you know what occurred to me?
Will: No.
Sean: You're just a kid, you don't have the faintest idea what you're
talkin' about.
Will: Why thank you.
Sean: It's all right. You've never been out of Boston.
Will: Nope.
Sean: So if I asked you about art, you'd probably give me the skinny
on every art book ever written. Michelangelo, you know a lot about
him. Life's work, political aspirations, him and the pope, sexual
orientations, the whole works, right? But I'll bet you can't tell me
what it smells like in the Sistine Chapel. You've never actually stood
there and looked up at that beautiful ceiling; seen that. If I ask you
about women, you'd probably give me a syllabus about your personal
favorites. You may have even been laid a few times. But you can't tell
me what it feels like to wake up next to a woman and feel truly happy.
You're a tough kid. And I'd ask you about war, you'd probably throw
Shakespeare at me, right, "once more unto the breach dear friends."
But you've never been near one. You've never held your best friend's
head in your lap, watch him gasp his last breath looking to you for
help. I'd ask you about love, you'd probably quote me a sonnet. But
you've never looked at a woman and been totally vulnerable. Known
someone that could level you with her eyes, feeling like God put an
angel on earth just for you. Who could rescue you from the depths of
hell. And you wouldn't know what it's like to be her angel, to have
that love for her, be there forever, through anything, through cancer.
And you wouldn't know about sleeping sitting up in the hospital room
for two months, holding her hand, because the doctors could see in
your eyes, that the terms "visiting hours" don't apply to you. You
don't know about real loss, 'cause it only occurs when you've loved
something more than you love yourself. And I doubt you've ever dared
to love anybody that much. And look at you... I don't see an
intelligent, confident man... I see a cocky, scared shitless kid. But
you're a genius Will. No one denies that. No one could possibly
understand the depths of you. But you presume to know everything about
me because you saw a painting of mine, and you ripped my fucking life
apart. You're an orphan right?
[Will nods]
Sean: You think I know the first thing about how hard your life has
been, how you feel, who you are, because I read Oliver Twist? Does
that encapsulate you? Personally... I don't give a shit about all
that, because you know what, I can't learn anything from you, I can't
read in some fuckin' book. Unless you want to talk about you, who you
are. Then I'm fascinated. I'm in. But you don't want to do that do you
sport? You're terrified of what you might say. Your move, chief.

Paglimot
Sasabihin mong tao kang palaging may saan at kailan. Kapag naiwan mo na ang isang saan, at nakalipas na ang isang kailan, karapatan mo nang limutin at itapon na parang gula-gulanit na baro, sa basurahan ng iyong alaala: at tumakas sa bagong saan at kailan. Sinasabi ko sa iyo na may pangyayaring sumisigaw sa kaloob-looban mo at,dinggin mo man o hindi, ang saan at kailan nito’y magiging dito at ngayon mo, magpakailan man.
- Fr. Roque Ferriols
- Fr. Roque Ferriols
Pagpapaalala...
Minsan, gusto na nating kalimutan ang mga bagay sapagkat mas nakabubuti ito kaysa masaktan tayo habang patuloy na bumabalik sa ating gunita ang mga alaalang masakit mang tanggapin ay isa pa ring katotohanan. Ngunit kahit anumang ating gawin, wala sa ating kakayahan ang paglimot o kung naroon man, hindi natin ninanais bitiwan ang mga alaala sapagkat anumang sakit ang dulot ng mga ito sa atin, may kaligayahan pa ring bumubukal dito. Hindi ito pagkamartir sapagkat sa aking pag-unawa, ang pagiging martir ay pagtanggap sa sakit maski labag man ito sa ating kagustuhan o maski wala itong kaligayahang dulot sa atin. Ngunit para sa akin, ang pag-alaala sa mga gunitang ito, masakit mang tanggapin ang katotohanang isinisiwalat, ay nagbubunga ng kaligayahang pinili kong siyasatin at angkinin maging kaakibat nito ang sakit. Pinili kong indahin ang sakit kapalit ng tuwang sinisiyasat ng aking puso.
Tuesday, June 23, 2009
Ilang malalapot na kataga mula sa klase ng Pilosopiya
"Kapag nasabi na ang lahat ng masasabi, ang pinakamahalaga ay hindi pa rin nasasabi" - Fr. Roque Ferriols
"Manipis ang kataga upang ilarawan ang kakapalan ng karanasan" - Geoffrey Guevara
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Malimit na nakatuon ang tao sa pagsagot sa mga tanong na humihingi ng tiyak na kasagutan (halimbawa: depinisyon). Sa ganitong mga pagkakataon, minsan ay nanlulumo tayo kapag hindi natin maapuhap ang sagot na ating ninanais. Naiinis tayo, nagagalit, naiirita, nalulungkot sa mga pagkakataong nilalagak natin ang mga sarili sa sitwasyon na sa tingin natin ay hindi natin maunawaan dahil wala tayong tiyak na kasagutang pinanghahawakan. Ngunit hindi ba mas maganda minsan na tanggapin nating hindi natin kailangang unawain (kung ang pang-unawa nga ay pagsagot sa tanong na ANO)ang lahat? Ang pag-unawa ay ating desisyon na siyang marapat na magbunga ng kaligayahan at kaganapan sa ating buhay. Kung hindi nagdudulot sa atin ng kaligayahan ang isang paghahanp, maaari tayong tumigil pansumandali at isipin kung ninanais pa ba nating ipagpatuloy ang pagsasaliksik, pagmamasid at paghahanap. O mas marapat na tayo'y tumigil na lamang sa puntong alam na natin na may alam tayo sa halip na alamin kung ano itong ating nalalaman. Minsan, sapat ng alam natin na nauunawaan natin ang mga bagay kahit na hindi natin alam kung paano patutunayan, gamit ang mga kataga, na may alam nga tayo. Minsan kasi, mas madaling umunawa at gumawa ng mga bagay sa halip na limitahan ang kaganapang nito gamit ang mga kataga. Ang mas mahalaga ay ang katotohanang kaya kong umunawa, kung ako nga ang gustong umunawa, sa kabila ng limitado kong kakayahan na patunayan sa iba na akin talagang ito nauunawaan.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-**-*-*-*-*-*-*
"Mas mabuting gawin muna bago alamin kung ano" - Fr. Ferriols
Mas madaling maunawaan ang mga bagay sa mundo kung itinutulak natin ang ating mga sarili na danasin ang mga ito. Gayun nga lamang, kinakailangan din ng kataga upang magbunga ng pagkilos at paggawa. Mahalaga ang mga kataga, kahit hindi ito sapat, upang magsagawa ng pagkilos at maunawaan ang mga bagay-bagay. Hindi man kayang sakupin ng mga kataga ang kabuuan ng isang bagay o ideya, ito ay isang mahalagang instrumento ng umuunawa upang makaunawa. Sa bawat pagnanais na kumilos, may mga katagang ibinubuga ang mga labi upang sindihan ang ating karanasan at maunawaan ang paggawa matapos magdesisyon na isagawa ang naunawaan.

Sunday, June 21, 2009
Pagbabalik
Matagal na rin akong hindi nakakapag-blog sa account kong ito. Marahil dahil na rin sa sobrang dami ng electronic accounts ko at sa limitadong oras na maaari kong ilaan sa pag-che-check ng account. Siguro dahil na rin sa napakaraming gawain sa paaralan kaya hindi ako gaanong makapagsulat.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Marami nang pangyayari ang naganap sa akin mula ng pumasok ako sa Ateneo. Marami na ring pagbabago ang umusbong sa buhay ko. Pero hindi ko na matutukoy ang lahat ng pagbabagong ito sa aking sarili. Sapagkat hindi ko na matukoy kung ano ako noon na kaiba sa kung ano ako ngayon. Hindi ko na mawari ang kalikasang nabago na ng panahon. Hindi ko na kayang tukuyin ng masinsinan kung ano ako noon sapagkat iba na ako ngayon. Hindi ko kayang malaman ang kaibahan sapagkat hindi ko na kayang balikan ang nakaraan upang danasin muli ang magkatulad na pagdanas. At kung sakali mang bumalik nga ako sa nakaraan, sa nakaraang nagdulot ng ngayon, hindi rin ako nakatitiyak na ang kahapon ay katulad ng lumipas nang kahapon. Ang tanging alam ko lamang ay malay ako sa pagbabagong naganap sa buhay ko. Hindi na gaanong mahalaga na malaman ang pagbabago, sapat na ang pagtanaw at pag-unawa sa kaibahan ng noon at ngayon.

Hindi ako palaging malay sa aking damdamin. Marahil ay dahil na rin sa hindi payak ang mga damdaming nararamdaman ng tao. Malimit ay hindi iisa ang ating nararamdaman sa isang tiyak na panahon. Madalas na halu-halo ang ating nadarama at ang minsang trahedya pa nito ay magkasalungat ang damdaming lantad sa magkasabay na panahon. Katulad na lamang ng pangyayari kahapon - ang akala kong masayang araw ay nagtapos bilang isang malungkot na pangyayari.
Noong una, masaya naman talaga at intensyong maging masaya ang araw na iyon. Selebrasyon kasi ng kaarawan ng kaibigan ko. Pumunta kami sa Star City at sumakay ng kung anu-anong mga rides. Maaaring masaya kung iisipin ngunit hindi ko mawari kung kaligayahan nga ang dapat kong maramdaman. Hindi kasi ako mahilig sa adventure kung ang pah-uusapan ay carnivals and amusement park. Madali kasi akong mahilo at matakot sa mga matataas na lugar. Hindi ko rin gustong nababaligtad ang mga parte ng katawan ko (halimbawa ay napupunta sa ibaba ang aking ulo sa halip na ang paa ko). Gayunpaman, kailangan kong maging masaya sapagkat iyon ang idinidikta ng panahon at pangyayari sa kabila ng kaba at takot na isinusulong naman ng aking likas na damdamin. Ngunit, hindi lamang iyon ang kalituhang hinarap ko kahapon. Isa lamang pala iyong prologo na nakalakip sa mas malaking kalituhan at balintuna nang araw na iyon.
Maaari ko nang tanggapin na masaya ang karanasan ko noong panahong iyon sa kabila ng pagiging KJ ko sapagkat isang "challenging" ride lamang ang aking sinakyan sapagkat kasama ko naman ang mga kaibigan ko at nasiyahan naman ako sa ibang pamamaraan. Gayun nga lamang, hindi sa kaligayahan nagtapos ang aking damdamin. Mabilis ang pagbabago ng emosyon ng tao na siyang dinadama ng pisikal nating aspekto. Sa hindi matukoy na tiyak na kadahilanan, nagalit ako. Nainis ako. Nabuwisit ako. Nairita ako. Nagkagalit kami ng kaibigan ko sa hindi ko matukoy na kadahilanan. Hindi ko matukoy ang ugat ng aking damdamin sa kabila ng lantad na katotohanang naganap bago ko nadama ang kasalukuyang damdamin. Alam kong may nadarama ako at alam ko kung ano ang nararamdaman ko (kahit na hindi gaano kalinaw ang aking pagkaunawa sa aking damdamin), ngunit hindi ko matukoy ang pinag-uugatan ng aking damdamin.
Nagagalit ako ngayon ng walang rason at kung mayroon man, hindi ako mulat kung ano iyon. Nagagalit ako bago ko pa man malaman ang dahilan ng aking pagkagalit. Pero maaari ring alam ko kung bakit ako nagagalit ngunit hindi ko lamang matukoy gamit ang mga salita kung bakit. Maaari ring alam ng salita kung ano ngunit hindi kayang intindihin ng aking pang-unawa. Maraming posibilidad ngunit laging walang katiyakan. Ngunit bakit mahalaga para sa akin ang katiyakan ng aking damdamin? Bakit kailangan kong bigyan ng kadahilanan ang mga bagay-bagay sa aking buhay? Hindi ba maaaring ganito sapagkat ganito lamang o kaya ganoon sapagkat ganoon? Bakit kailangang alamin ang mga sagot? Hindi ba sapat na malamang mayroong sagot sapagkat may tanong? Na umiiral ang sagot sa pag-unawang palaging may tanong? Hindi ba maaaring tanggapin ang mga bagay dahil (hanggang 'dun lang)?

Pilosopiya
Sasabihin mong tao kang palaging may saan at kailan. Kapag naiwan mo na ang isang saan, at nakalipas na ang isang kailan, karapatan mo nang limutin at itapon na parang gula-gulanit na baro, sa basurahan ng iyong alaala: at tumakas sa bagong saan at kailan. Sinasabi ko sa iyo na may pangyayaring sumisigaw sa kaloob-looban mo at,dinggin mo man o hindi, ang saan at kailan nito’y magiging dito at ngayon mo, magpakailan man.
-Fr. Ferriols
-Fr. Ferriols
Subscribe to:
Posts (Atom)