Hahaha...matagal na panahon na rin ang nakalipas mula ng huli akong mag-blog sa blogspot kong ito...
nakakatuwa naman...kasi akala ko hindi na ulit ako mag-ba-blog dito...
bakit ko nga ba naiisipang mag-blog ulit?? hmmp...hindi ko rin alam eh..
kasi medyo balisa ako nung mga nakaraang araw...hindi ko alam kung bakit...feeling ko may kakaiba sa akin...parang masyado akong iritable...tapos nag-iisip ng WALA (buti nga sana kung may naiisip ako - pero talagang wala eh)...
wish ko tuloy, sana magbakasyon na...para naman medyo makapahinga ako...baka pagod lang 'to!! pero sana nga makapagpahinga ako sa bakasyon...kasi may workshop pa kami ng dance for Pathways..
----------------------
anu ba ang pinagkakaabalahan ko ngayon??
Sagot: Marami....as in MARAMI!! kasi naman ang daming long tests at projects....kulang sa time para makapag-review!! hay, buti na lang may inspiration ako....hahaha....pero i hope sana inspiration niya rin ako (ASA!!)
well, masama ba?? "As long as you love, you still have hope" - sabi 'yan sa "Love of Siam"
speaking of "Love of Siam" ------ sobrang adik na ako sa film na ito!! simula ng pinanuod sa akin 'to ni Reyvan, hindi na ako matahimik sa kakaisip...kasi naman sobrang depressing ng ending...parang after watching that wonderful film for 3 hours, biglang ganun na yung ending....well, maganda yung style ng writer in ending his film but ayoko ng "hanging" na ending....in technical terms, "enigmatic" (that's according to my friend, steph). I want a satisfying ending for this film. Kasi naman sobrang ganda nung story line....tsaka sobrang meaningful nung script ng film.... it's deep yet easy to grasp....moreover, sad yung start nung film and you didn't know how will the film end....is it happy or still sad??.... wala akong relieve na naramdaman nung nag-end yung film....parang i'm still hanging with my emotions...parang i'm stuck in the middle of all emotions in the world and i did not know how to react...
pero in the end, it just mean na convincing yung film and it won the attention and sympathy of its viewer (hindi ba halata?? sobrang nadala kaya ako!!)..
i already recommended it to my friends (and is still recommending)...and some of them who did watch the movie are really satisfied...in fact, they too loved the movie....hahaha....and some of them (or almost all of them) ay adik na rin ngayon sa film and sa mga actors...
----------------------
suddenly, i remember my childhood dream.....maybe it's because of lots of stress in the school....
kasi nahihirapan na ako sa mga subjects ko and feeling ko tuloy hindi na ako masaya sa ginagawa ko....kasi i feel happy when i had achievement on the things i did....
pero ngayon sobrang down yung pakiramdam ko sa mga ginagawa ko...hindi ako nakakaramdam ng sense of achievement....
so going back....ano nga ba yung childhood dream ko??
simple lang naman...kasi before, hindi ako magaling sa kahit anong subject: Math, Science at kung anu-ano pa!!
so, ang gusto ko na lang maging noon ay maging isang artista...kasi naniniwala naman ako, simula pa pagkabata, na CUTE ako!! bakit hindi ba??
ang gusto ko dati ay maging isang sikat na artista....o kaya naman isang theater artist, either a dancer, model, actor or singer (hahaha...dati kasi nag-join ako ng choir....pero ngayon hindi na halatang nag-choir ako before)...at yung pinakamataas na na gusto kong maging ay isang sikat na writer at manalo ng Nobel Prize Award for Literature (hahaha...sumobra naman ata yung taas)!!
pero syempre, hindi naman papayag yung magulang ko niyan...and even yung grandparents ko.....dahil mas importante ang edukasyon!!
well, nag-enjoy naman akong mag-aral lalo na nung high school ako...kasi mataas yung mga grades ko....pero now?? naku!! feeling ko naaasar na akong mag-aral...kasi parang walang patutunguhan...nung high school kasi hindi ako nasanay na mag-aral para pumasa lang...kasi kahit hindi ako mag-review mataas pa rin yung grades ko... pero ngayon...anung aral man ang gawin ko, parang wala pa ring epekto sa grades ko....(wish ko na lang na may isisipag pa ako)..
naiisip ko lang tuloy, is it better kung nag-artista na lang ako? even wala gaanong "substance", atleast may sense of achievement sila....
hay, i should discern it well....kung hindi......ahhmmmm....
EWAN KO!!
----------------------
hahaha......i'm happy na nakasaulat ulit ako sa blogspot kong ito....
i'm welcoming myself!!
:)