Ok na yung pakiramdam ko ngayon...kahapon ng umaga, medyo masama pa pakiramdam ko. Tapos nung pumasok na ako sa Stat, uminom na lang ako ng Biogesic (pang - apat na simula nung gabi) kasabay ng pineapple juice (na pang-apat na rin nung umagang iyon)...
Mas lalong umayos yung pakiramdam ko nung nagpractice na kami ng sayaw...feeling ko nga hinahanap na lang ng katawan ko ang pagsasayaw kaya ako nagkasakit eh...Biruin mo, matapos kong magsayaw, parang nagdahilan lang yung katawan ko..bigla na lang naging OK ako at hindi na ako nilalagnat...akala ko pa naman may A(H1N1) na ako...natakot pa ako, psychological lang naman pala yung dahilan ng sakit ko (hahaha...psychological?? parang galing lang sa mental hospital..)!!
Pero, pasalamat na rin ako at OK na ako...marami pa kasi akong dapat gawin at hindi ko kayang habulin yung mga requirements na yun kung sakaling lumiban ako dahil sa sakit...
:D
sa sulok ng aking balintataw natagpuan kita doon sa nakatagong gilid, nakatupi't nakayupyop binuklat kasama ng nakatuping alaala na nakaimbak sa bunton ng mga nahalaw na kalawakan....
Thursday, July 2, 2009
Tuesday, June 30, 2009
Weird girl...
Kanina habang nasa jeep pala ako, may katabi akong babae na mukhang college student..
Tapos, syempre nga may sakit ako, inuubo ako (pero hindi naman malala na parang mamamatay na ako at mauubusan ng hininga dahil sa kauubo) lalo na kapag mausok...Hindi ko naman makuha yung panyo ko kasi nasa likod na bulsa ng pantalon ko at siksikan sa jeep...kaya kapag uubo ako, tinatakpan ko na lang ng kamay ko..
Ito naman babae, medyo nangingiti siya at tumitingin sa akin...Hindi ko alam kung bakit...tapos, isang beses, naubo ulit ako dahil na rin sa usok ng mga sasakyan...nakatingin siya sa akin (nakita ko sa peripheral vision ko) kaya tumingin ako sa kanya...tapos, iniabot niya yung panyong ginagamit niya sa akin at sinabing "Gusto mo?" with smile pa...na-wirdohan ako...sa loob-loob ko "HUH??!!"....and napatingin lang ako sa kanya...Nang ma-realize siguro niya na mukhang may mali sa ginawa niya, nag-sorry siya at sabi niya, "Ay, joke lang pala"...hay!! adik talaga...tapos tumalikod na siya sa akin at nakikita ko na tumatawa siya..
WEIRD talaga!!

A(H1N1)
I am sick!!
Nakakaasar na sakit 'to...nakakaparanoid...inuubo ako at nilalagnat..tapos may sore throat pa ako nung last week...yun nga lang wala akong diarrhea and hindi rin ako nagsusuka...
Sana dahil lang ito sa pagod...ayokong magpa-quarantine ng 10 days...ang haba nun...ang dami kong mamimiss...
sana hindi naman 'to swine flu...

Subscribe to:
Posts (Atom)