Ok na yung pakiramdam ko ngayon...kahapon ng umaga, medyo masama pa pakiramdam ko. Tapos nung pumasok na ako sa Stat, uminom na lang ako ng Biogesic (pang - apat na simula nung gabi) kasabay ng pineapple juice (na pang-apat na rin nung umagang iyon)...
Mas lalong umayos yung pakiramdam ko nung nagpractice na kami ng sayaw...feeling ko nga hinahanap na lang ng katawan ko ang pagsasayaw kaya ako nagkasakit eh...Biruin mo, matapos kong magsayaw, parang nagdahilan lang yung katawan ko..bigla na lang naging OK ako at hindi na ako nilalagnat...akala ko pa naman may A(H1N1) na ako...natakot pa ako, psychological lang naman pala yung dahilan ng sakit ko (hahaha...psychological?? parang galing lang sa mental hospital..)!!
Pero, pasalamat na rin ako at OK na ako...marami pa kasi akong dapat gawin at hindi ko kayang habulin yung mga requirements na yun kung sakaling lumiban ako dahil sa sakit...
:D
No comments:
Post a Comment