Wednesday, June 24, 2009

Pagpapaalala...

Minsan, gusto na nating kalimutan ang mga bagay sapagkat mas nakabubuti ito kaysa masaktan tayo habang patuloy na bumabalik sa ating gunita ang mga alaalang masakit mang tanggapin ay isa pa ring katotohanan. Ngunit kahit anumang ating gawin, wala sa ating kakayahan ang paglimot o kung naroon man, hindi natin ninanais bitiwan ang mga alaala sapagkat anumang sakit ang dulot ng mga ito sa atin, may kaligayahan pa ring bumubukal dito. Hindi ito pagkamartir sapagkat sa aking pag-unawa, ang pagiging martir ay pagtanggap sa sakit maski labag man ito sa ating kagustuhan o maski wala itong kaligayahang dulot sa atin. Ngunit para sa akin, ang pag-alaala sa mga gunitang ito, masakit mang tanggapin ang katotohanang isinisiwalat, ay nagbubunga ng kaligayahang pinili kong siyasatin at angkinin maging kaakibat nito ang sakit. Pinili kong indahin ang sakit kapalit ng tuwang sinisiyasat ng aking puso.

No comments:

Post a Comment