Thursday, July 23, 2009

In bed!!

Hahahaha....

Sobrang funny ng night ko yesterday...Nagstart sa Philo class ko kung saan sobrang hyper ni Sir Jope...para siyang nakainom or nakadrugs...Sobrang energetic niya kagabi kaya hindi rin naging dull yung Philo class ko kahapon..

Nagkuwento siya tungkol sa mga car minor-accidents niya at kung paano siya nag-react sa mga pangyayaring iyon...tapos kinuwento rin niya yung "pagtataksil" kuno ng asawa niya dahil dalawang beses nagsend sa kanya ng SMS na kasama niya si John Lloyd...at eto namang si Sir, nagdrama at nag-act kung paano niya pagsasabihan yung asawa niya kapag nagkita sila sa bahay (hahaha..na-i-imagine ko pa si Sir kung paano siya sinabi yung line na "Talipantas ka" sabay sampal sa hangin ng kaliwa't kanan)....hanggang sa napunta na kami sa pag-uusap ng "Logos"....Ginawa niyang halimbawa ang pagsasabi ng "I love you" bilang logos...Nagkuwento pa siya ng scenario na pag-iibigan ng dalawang tao na halaw sa patalastas ng Greenwich (yung may pizza and lasagna...hahahaha)...tapos napunta rin kami sa nagsasalitang dingding na nagsasabing "Huwag mo akong banggain kasi masasaktan ka" (habang sinasabi ito ni Sir, buong buo ang emosyon niya na para bang may malalim siyang pinaghuhugutan)...hanggang sa nagsalita na rin ang mesa na ang linya naman ay "Patungan mo ako, patungan mo ako" (hahaha...ang laswa sa pandinig!!)...tapos sinabi rin ni Sir yung line na "Ang lahat ng bagay ay magkaugnay, magkaugnay ang lahat" ng paulit-ulit dahil daw paulit-ulit din yung kanta...At sobrang madami pang iba...sobrang funny but also insightful night with Sir Jope discussing Philosophy...

Then, hindi pa dyan natapos yung gabi ko....Pumunta ako ng Macci para i-meet sina Gian, Tin at Reyvan para mag-review sa nalalapit na pagsusulit sa Finance...ngunit nauwi ang lahat sa tawanan at pagjo-joke...kasi naman, dumating si Amae...

Marami kaming nilaro at napagkuwentuhan kagabi pero ang highlight ng lahat ay nung naglaro kami ng "What would you Choose..." na application ni Amae sa phone niya...laro iyon kung saan kailangan mong pumili ng isa mula sa dalawang choices...at sobrang weird ng mga choices....(e.g. What would you choose, drink a pee in a week or eat slugs in a day? something like that)...Tapos hanggang sa nauwi yung tanong sa "What would you choose, End all your sentences with 'in bed' or end it with 'zzzzz...over'?".....And we chose the first one...tapos, sinubukan namin and sobrang nakakatawa yung mga kinalabasan...Puno ng malisya yung bawat sentence na babangitin namin....at hindi na kami halos huminto...kahit na ayaw na namin, tumatakbo pa rin sa isip namin na dugtungan lahat ng sinasabi namin ng 'in bed'....and napag-usapan pa namin, for example, si Roden...example sentences:"Ang boring naman ni Roden...in bed", "Laging naka-power stance si Roden...in bed", "Laging nakabukaka si Roden...in bed", "Ayoko kay Roden kasi nambabagsak siya....in bed","Hindi marunong magturo si Roden...in bed", at napakarami pang iba....hanggang pati nga ako nabiktima kasi kumakain ako ng fries tapos nagpatawa sila about 'in bed' kaya hindi ko tuloy malunok yung fries...so, sabi ko..."Ayoko na, hindi ako makalunok"..then, dinugtungan nila ng 'in bed'....hahahaha....lalo akong tumawa nang tumawa...Tapos sinabi ko din na nangangawit na yung panga ko...and again, dugtong nila 'in bed'?..hahaha..Tapos sinabi rin ni Amae na "Huwag ako yung sisihin ninyo dyan (sa walang humpay na pagtawa) ha. Ako lang yung nag-initiate pero kayo yung NAGPALAKI".....hahaha....malamang, anong dugtong?? eh di, IN BED...SOBRANG ADIK!!

Sobrang adik ng mga tao kahapon...hanggang ngayon nga may hang-over pa rin ako sa ka-adikan ni Sir Jope and syempre sa 'in bed' na pinasimulan ni Amae...sobrang hindi ko na matanggal sa isip ko yung phrase na 'in bed'

2 comments:

  1. langya. talagang ako yung may kasalanan. haha. pero na enjoy mo naman diba? ... in bed. WAHAHAHAHAHA!

    ReplyDelete
  2. hahaha...kaw kasi pasimuno eh...

    :D

    ReplyDelete