Wednesday, July 22, 2009

Ano bang problema??

May ginawa na naman ba ako? Bakit ka ganyan? Minsan OK tayo, tapos bigla ka na lang magbabago and wala na naman...Hindi ko alam kung paano ako kikilos...Tanggap ko naman kung hanggang saan lang talaga tayo (kahit na hindi ko mapigilan yung sarili ko na mahalin ka pa rin...pero I hope, i will soon learn how to UNLOVE you)...Hindi naman ako nagdedemand ng kapalit eh...just allow me let you feel what I want you to feel...just let me do what i am willing to do...masaya naman ako dun eh...martir man, maybe I am just fully aware that love is always wrapped with pain...

Hindi ba pwedeng katulad tayo ng dati..OK naman tayo dati di ba? Iniisip ko tuloy na sana kaya kong bumalik sa nakaraan at baguhin 'yung mga naging hakbang ko noon...Hindi ako sigurado kung mali 'yun dahil naging tapat lang naman ako sa gusto kong sabihin...'Yun yung nararamdaman ko, masama bang sabihin? Alam ko malaki yung magiging pagbabago pagkatapos kong sabihin yun sa'yo, pero hindi ko inakala na ganito kalala...Pwede naman tayong maging friends pa rin di ba?(kung itinuring mo nga akong kaibigan dati). Pero kung hindi naman talaga friend yung naging tingin mo sa akin dati, sabihin mo na lang...At least alam ko kung saan ako magsisimula...Ang hirap kasing mag-assume ng relationship na wala naman pala talaga...

No comments:

Post a Comment