Bakit ganun??
kahit alam ko na yun dati pa at siya mismo ang nagsabi sa akin, bakit hindi pa rin ako immune sa bawat detalye ng kuwento??
paulit-ulit ko pa ngang naririnig ang kuwentong iyon araw-araw mula sa kanya and same pain pa rin yung nararamdaman ko....
akala ko after some time masasanay din ako....mamamanhid na sa mga kuwentong iyon.......maninigas hanggang sa wala ng maramdaman sa tuwing maririnig ang mga kaliit-liitang detalye ng mga pangyayari....
pero hindi pala...
bumukal muli ang dating nakatagong sidhi ng damdamin...
hindi pa pala ako namanhid.....sobrang nanariwa pa ang damdaming iyon sa tuwing bumabalik sa aking gunita ang lahat ng mga alaala.....ng kanyang nakalipas....
nagpapantig ang tainga ko sa tuwing bubulong ang bawat salitang nagpapaalala sa akin ng lahat....mula sa pagkukuwento niya ng lahat na para bang wala akong pakiramdam....hanggang sa pagpupumilit ng aking mga kalamnan na itaas ang litid ng aking mga labi upang hindi niya maramdaman ang lungkot na ipinahihiwatig ng aking mga labing kanina pa nagpupumiglas na bumagsak......ang panginginig nito sa pagtatangkang ipakita sa kanya ang nakatangong lungkot na aking nadarama...hanggang sa aking pag-uwi at pagbabasura ng lahat ng istoryang maluwag niyang ibinahagi sa akin ngunit ayokong tanggapin....ayokong maalala ang lahat ng iyon...ang lahat-lahat ng patungkol sa "kanya"....si "kanya" na palagi niyang naaalala.....
at uuwi na parang walang nangyari....pag-uwi na parang tumugil ang mundo sa mga oras na kasama ko siya at wala akong nagawa....wala kaming ginawa maski magkuwentuhan o anuman.....kailangang paniwalain ko ang sarili kong wala akong nalaman....na wala akong narinig....na wala akong naramdaman nung mga panahong iyon.....
sana nga mapaniwala ko ang sarili ko ngayong bumalik ang ma basurang pinilit kong layuan at kalimutan.....
ngayon pa?? na alam kong pabalik na si "kanya"?? sariwa pa ang lahat at sa tingin ko mananatili pa ring sariwa sa mahabang panahon.....
No comments:
Post a Comment