Kanina habang nasa jeep pala ako, may katabi akong babae na mukhang college student..
Tapos, syempre nga may sakit ako, inuubo ako (pero hindi naman malala na parang mamamatay na ako at mauubusan ng hininga dahil sa kauubo) lalo na kapag mausok...Hindi ko naman makuha yung panyo ko kasi nasa likod na bulsa ng pantalon ko at siksikan sa jeep...kaya kapag uubo ako, tinatakpan ko na lang ng kamay ko..
Ito naman babae, medyo nangingiti siya at tumitingin sa akin...Hindi ko alam kung bakit...tapos, isang beses, naubo ulit ako dahil na rin sa usok ng mga sasakyan...nakatingin siya sa akin (nakita ko sa peripheral vision ko) kaya tumingin ako sa kanya...tapos, iniabot niya yung panyong ginagamit niya sa akin at sinabing "Gusto mo?" with smile pa...na-wirdohan ako...sa loob-loob ko "HUH??!!"....and napatingin lang ako sa kanya...Nang ma-realize siguro niya na mukhang may mali sa ginawa niya, nag-sorry siya at sabi niya, "Ay, joke lang pala"...hay!! adik talaga...tapos tumalikod na siya sa akin at nakikita ko na tumatawa siya..
WEIRD talaga!!
Naku mei, type ka nun!!! :))
ReplyDeletesi ate naman, masyadong pa-obvious! :))
hahaha...ngayon ko lang nabasa comment...hahaha...naalala ko yung girl (tagal na nun ah), adik talaga siya!! :D
ReplyDelete