Wednesday, December 10, 2008

Out of Ennui (Boredom)

*This is an unedited poem (meaning, without rhyme....by the way, i am not fan of poem with rhymes) i did during our math 122 class....I am a little depress on the result of my first long exam to this subject and that's why I lost my enthusiasm in listening to his lectures....Moreover, I am just being patient before to try listening to his boring and overloading lectures about definitions and theorems of matrices....and now, I break free....the result of the test serves as the catalyst for me to stop my martyrdom...hahaha.....well, I shouldn't hide my boredom in his class, exhaustion, sleepiness, etc.....I won't submit myself to conformity (even though I am an ultimate conformist)....*

*title?? I am not sure!! I am not really good at giving titles.....*

Susubukan kong aliwin ang aking gunita
Gamit ang balintunang kulay ng papel at tinta
Lalayo sa kabagutang dulot ng madla
Sa isang kuwartong puno ng tanikala

Aking gagamutin ang talukap ng aking mata
Na kanina pa bumabagsak sa lalim ng tarangkahan
Patuloy na nilalamon ang buslo ng talinhaga
At tumutulak sa katotohanan patungo sa pangarap

Nais kong patuloy na manindigan sa kamulatang tinatanto
Nang umabot man lamang sa ugong ng simboryong
Gugulantang at gigising sa tulog kong libog
Na tumanga sa kawalang tagos sa nilalayon

Kailan makawawala sa panaginip na ito?
At tumungo sa kamulatang ninanais ng iyo
Sa pagbuka ng bagong liwayway sa kapis na ito
Ang isip na buhay ay patuloy na hungkag at lito

Ako'y nagkukumahog sa pagtakbo't paglayo
Sa layon ng pananatili at paninik-luhod
Dito sa nakaririmarim na pakikipagtalamitam
Ng dunong sa mapanupil na haligi at panulat

Isa itong kalabisan sa hangganan ng pananaw
Lagpas sa katotohanan at rurok ng balintataw
Simula kawalan hanggang kalawakan
'Di tarok ang lalim ng hubong kababawan

*And my Math 122 ends....thanks God!!"

No comments:

Post a Comment