Tuesday, February 23, 2010

....

it's hard to pretend na OK lang lahat...na hindi ako nasasaktan sa nangyayari...na walang nawala sa akin....pero ang hirap kapag sarili mo na ang nagsasabi sa'yong hindi ka masaya sa mga nangyayari..

i always see you sa lahat ng bagay na ginagawa ko...and the more i refuse to think of you, the more my head keeps on reminiscing our moments together...miss na miss na kita...ang hirap sa akin kapag nakikita kita kasi mas nagiging mahirap sa akin na kalimutan lahat ng tungkol sa atin...gusto kong lumayo....pero patuloy akong hinihila ng aking sarili palapit sa'yo...

galit ako sa'yo...galit ako sa lahat ng nangyayari sa atin ngayon.....pero mas galit ako sa sarili ko sa patuloy na pagmamahal sa'yo....sobrang sakit sa akin na isiping ganun lang kadali lahat sa'yo...na kalimutan ako...na pagsisihan lahat ng tungkol sa atin...na tawagin akong hadlang sa kaligayahan mo...

ang hirap isipin na mali lahat ng pag-aakala ko....akala ko masaya ka sa piling ko...akala ko mahal mo ako...akala ko hindi mo ako iiwan...akala ko kahit anong mangyari ay maninindigan ka sa mga pangako mo....lahat ng pag-aakala kong iyon ay mali....

ganun lang kadali sa'yo na ibasura lahat ng pangako mo....ganun lang kadali sa'yo na sabihin sa aking hindi ka masaya sa piling ko...ganun lang kadali sa'yo na tawagin akong bangungot sa buhay mo! ganun lang kadali sa'yo ang lahat....pero sa akin, hindi kailanman naging madali...

akala ko masaya ka sa akin...akala ko totoo na lahat...umasa ako, nabigo, umasa muli, nabigo na naman....hanggang kailan ako aasa at mabibigo?

ang hirap aminin sa sarili na lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay galing sa taong siya ring nagdudulot ng kaligayahan sa akin....yung taong inaasahan mong hinding hindi ka iiwan...yung taong gusto mong makasama sa buong buhay mo....yung taong mahal na mahal mo...yung taong siya ring iniikutan ng mundo mo....

ang hirap maging masaya kung yung kasiyahan mo ay isipin siya...siya rin na dahilan ng kalungkutan mo...

mahal na mahal kita mhine....i just don't know how to love you while loving myself.....

No comments:

Post a Comment